Kayong malilinis, matuwa at umawit; Krus ni Kristo'y iwagayway sa rurok ng langit.
REFRAIN
Matuwa, Matuwa, Matuwa at umawit.
Bata't matatanda, lalaki't babae, Ilakas ang pagbubunyi, sa Diyos na papuri.
Kasama ng mga anghel, mga banal, Inyong ilakas ang awit ng kaligayahan.
Kayo'y umawit din sa landas ng buhay, Sa tuwa't kapighatian, sa gabi at araw
Patuloy nga kayong matuwa at umawit; Krus ni Kristo'y iwagayway sa rurok ng langit.